Negosasyon sa mga Amerikanong kumpanya para sa COVID-19 vaccine supply, patuloy – Malacañang

Nilinaw ng Malakayang na magpapatuloy ang negosasyon ng Pilipinas sa mga American companies para sa posibleng supply ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ay kasunod ng pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Western developers dahil umano sa panghihingi ng advance payment.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang epekto sa ginagawang negosasyon ang tinuran ni Pangulong Duterte na “profit” mindset ng mga Western companies.


Aniya, makikipag-negosasyon pa rin ang Pilipinas kahit kanino at nais makatiyak ni Pangulong Duterte na magkakaroon tayo ng bakuna kahit sino pa ang maunang maka-develop.

“Wala naman pong epekto iyan, we continue to negotiate with everyone. In fact, the President wants to ensure na magkakaroon tayo ng vaccine kahit sino pang unang maka-develop niyan,” – ani Roque.

Giit pa ni Roque, mananatiling miyembro ang bansa ng Gavi COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility na layuning magkaroon ng “fair and equitable access” sa COVID-19 vaccines.

“We will continue our membership in the alliance. Ang konteksto lang po, sinasabi niya na ang mga Western companies ngayon pa lang humihingi na ng kumbaga reservation fee. Samantalang ang bansang Tsina at Rusya ay wala pong ganiyang hinihingi at pupuwede pa ngang utangin kung magkakaroon sila ng vaccine,” – ani Roque.

Facebook Comments