NEGOSYANTE, ARESTADO SA IMPLEMENTASYON NG SEARCH WARRANT SA BAYAN NG ANDA

Arestado ang isang negosyante matapos ang matagumpay na ikinasang search warrant implementation sa bayan ng Anda.
Ang suspek ay nakilalang si Raymund Carolino, residente ng Brgy. Dalaoan ng nasabing bayan.
Ikinasa ang search warrant implementation sa tahanan nito pasado alas-sais ng umaga na nagresulta sa pagkumpiska ng sinasabing armas sa suspek.

Inihahanda na ngayon ng PNP ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments