Arestado ang itinuturing na wanted person sa bayan ng Luna, La Union.
Kinilala ang akusado na isang 49 anyos na negosyante at residente ng San Fernando City.
Naaresto ang akusado sa pamamagitan ng isang warrant kung saan nahaharap sa kasong Estafa sa pamamagitan ng pamemeke ng pampublikong dokumento.
May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng nasa 36,000 pesos.
Nasa ilalim ng kustodiya ng Luna MPS ang nasabing akusado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









