Negosyante, Arestado sa Kasong Swindling!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang ginang dahil sa kasong paglabag sa BP 22 o Swindling matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Veronica Tubban, 52 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. Bugallon sa nasabing lungsod.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Mary Jane Socan- Soriano ng MTC Cauayan City dahil sa limang beses na kasong Swindling at ibang uri pa ng panloloko sa ilalim ng criminal case no. 18-213 to 215 at 18-247 to 248,19-019.


Nagrekomenda naman ang korte ng halagang P47,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Tubban.

Ipinasakamay na ang akusado sa Cauayan City District Jail.

Facebook Comments