Negosyante, Arestado sa Talbog na Tseke!

*Cauayan City, Isabela-* Arestado ang isang ginang matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Roxanne Valeros, 35 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. San Fermin sa nasabing lungsod.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng Municipal Trial Court Cauayan City dahil sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 22 o The Bouncing Checks Law.


Inirekomenda naman ng korte ang halagang P6,000.00 na kanyang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cauayan ang akusado para sa booking process.

Facebook Comments