Negosyante biktima ng pamamaril patay sa lungsod

94

Isang ginang ang biktima kahapon ng pamamaril sa loob ng isang establishment sa Sinsuat avenue barangay Rosary Hiegths Mother dakong alas 5:55 ng hapon kahapon. Kinilala ang biktima nasi Christine Pozon 35 anyos, may ari ng Rufo Metal Craft and Printing, na residente ng Pascual Subdivision ng nasabing barangay, siyay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa calibre 45 pistol nab aril na mabilis na isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay. Ayon pa sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, dalawa katao umano ang pumasok sa naturang tindahan na nag aktong customer at doon ay biglang binaril ang biktima.Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspect patungo sa direction ng hiway sakay ng single motorcycle. Sa ngayon ay blanco pa ang kapulisan kung anu ang motibo sa krimen habang nagpapatuloy naman ang inbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers