Negosyante biktima ng pamamaril sa Magpet North Cotabato

Sugat sa katawan ang tinamo ng isang negosyante ng itoy pagbabarilin ng di pa nakilalang suspect sa Brgy. Manobo, sa bayan ng Magpet sa lalawigan ng North Cotabato .
Kinilala ang biktima na si Jessie Iday Bagramento, 49-anyos at residente ng nabanggit na lugar. Lumabas umano sa kanilang bahay ang biktima para tingnan ang sasakyan sa labas ng kanilang bahay ng bigla itong pagbabarilin . Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanang bahagi ng kanyang kamay at sa kanang bahagi ng kanyang katawan .
Ayon kay Police Chief Inspector Rommel Constantino, hepe ng Magpet PNP agad dinala sa Kidapawan Medical Specialist ang biktima para gamutin. Patuloy naman ang ginagawang pagtugis ng kapulisan sa mga suspek na responsable sa pamamaril. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments