Negosyante, binaril habang nasa gitna ng prayer meeting

Sa General Santos, patay ang isang negusyanteng si Francis Nadar, 36, residente ng  Purok Manatad, Barangay Poblacion, Polomolok matapos itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek habang itoy nasa loob ng simbahan sa purok San Roque, Barangay Labangal, Gensan alas 6:00 ng gabi.

Sa initial investigation ng Police Station 2, napag-alaman na nag attend ng prayer meeting ang biktima kasama ng kanyang asawa sa kanilang simbahan ng biglang may pumasok na lalaki at pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek sakay sa naghihintay na motorsiklo hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.


Agad namang isinugod ng kanyang mga kasamahan sa mindanao medical center ang biktima pero ideneklara na itong dead on arrival.

Sa ngayon inaalam pa ng PNP ang motibo ng nasabing krimen at ang responsible nito.

Facebook Comments