NEGOSYANTE MULA MALASIQUI, ARESTADO SA AKTONG PAGTATAPON NG BASURA SA HIGHWAY SA BASISTA

Arestado ang isang lalaki dahil sa pagtatapon ng basura sa kakalsadahan sa Brgy. Poblacion, Basista, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang negosyante mula Malasiqui.

Ayon sa awtoridad, isang tawag ang natanggap ng kapulisan mula sa isang indibidwal bandang ala una ng madaling araw dahil sa ilegal umanong pagtatapon ng basura ng suspek.

Agad naman naaresto ng awtoridad ang suspek na rumoronda sa oras na iyon.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek dahil sa paglabag sa RA 9003 Ecological Waste Management Act of 2000. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments