Negosyante na may patung-patong na kasong Pagnanakaw, Arestado

Cauayan City, Isabela- Dinakip ang isang negosyante na Top 7 Most Wanted Person Municipal Level sa bayan ng Aparri matapos itong maaresto sa operasyon ng pulisya kahapon sa Purok 6, Barangay San Andres, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mary Grace Mabbun, 24-anyos, dalaga at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na barangay.

Inaresto si Mabbun sa bisa ng alyas Warrant of Arrest para sa patung-patong na kasong Theft na may petsang Abril 8, 2020 na ipinalabas ni hukom Nicanor Pascual Jr. Presiding Judge RTC Br 08, Aparri, Cagayan; Warrant of Arrest para sa hatol ng krimeng pagnanakaw na may petsang October 16, 2017 na ipinalabas ni hukom Rene B Baculi, Presiding Judge MTCC Br 02, Tuguegarao City; Warrant of arrest para naman sa kasong Estafa na may petsang Nov 14, 2018 na inisyu ni hukom Clefford Sobrevilla, Presiding Judge MTC Br 1, Aparri, Cagayan; gayundin ang isa pang Warrant of Arrest para sa kaparehong krimeng Estafa na may petsang October 15, 2020 na ipinalabas ni hukom Maita Grace Deray-Israel, Presiding Judge MTCC Br 03, Tuguegarao City.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Aparri Police Station ang negosyante para sa kaukulang hakbang laban sa kanya.

Facebook Comments