Negosyante na Naaresto sa Pag-iingat ng Baril, Matagal ng Problema sa Barangay!

128

Cauayan City, Isabela- Matagal nang minamanmanan ng kapulisan ang nahuling negosyante kahapon dahil sa pag-iingat nito ng iligal na baril sa Brgy. Minuri, Jones, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Mervin Delos Santos, hepe ng PNP Jones, nadakip sa pamamagitan ng Search warrant ang suspek na si Robie John Cataina, 53 anyos, may-asawa na residente rin ng nabanggit na lugar.


Ito’y sa tulong na rin aniya ng ng mga barangay officials kaya’t nahuli ang suspek kasama ang nakumpiskang Colt 45 na baril at mga bala.

Ayon pa kay PCapt Delos Santos, matagal ng problema ang suspek sa kanilang lugar dahil sa palagian umano nitong pananakot ng kanyang baril sa mga kabarangay.

Anumang araw ay sasampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bukas lamang aniya ang kanilang himpilan sa anumang sumbong upang agad nila itong matugunan.

Facebook Comments