Negosyante na nagtitinda ng “ukay-ukay”, arestado ng BOC at NBI

Manila, Philippines – Sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation ang may ari ng hindi na pakikinabangang pasilidad na umano ay muling ibinebenta sa Merkado ang gamit na mga damit o tinatawag nilang ukay ukay sa Bulacan.

Ayon kay BOC-Manila International Container Port District Collector Erastus Sandino Austria ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng NBI ay inaresto si Francis Lesaca, na umano ay may ari ng EPY ECO isang hindi na pakikinabangang pasilidad na matatagpuan sa Metrowarehouse Center sa Guiguinto, Bulacan.

Paliwanag ni Austria tinatayang umaabot sa P1,000,000 ang halaga ng ukay ukay ang kanilang nakumpiska na dapat ipamimigay nalamang pero muling ibinibenta sa publiko.


Nagpanggap kunwari ang mga operatiba ng NBI at BOC na bibili ng ukay ukay kung saan ang naturang operation ay suportado ng Letter of Authority at Mission Order mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang kasong isinampa ng BOC laban kay Lesaca.

Facebook Comments