Nasawi sa pamamaril ang isang negosyante sa Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang sakay ng e-bike ang biktima, binuntutan umano ito ng isang rider hanggang national highway kung saan na ito pinagbabaril.
Sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at naitakbo pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Dahil dito, puspusan ang follow-up investigation at koordinasyon sa mga karatig himpilan upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









