Negosyante na Positibo sa COVID-19, Pumanaw

49

Cauayan City, Isabela- Limang (5) COVID-19 patients na ang naitalang nasawi sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Region 2, pumanaw na ang nagpositibong si CV3528 na lalaki, 51 taong gulang na residente ng Barangay District 1.


Siya ay na-admit sa isang ospital makaraang makaranas ng ubo, lagnat, pagtatae, at pananakit ng dibdib noong November 15, 2020.

Nabatid na si CV 3528 ay may diabetes at hypertension.

Siya ay kinuhanan ng sample noong November 22, 2020, ngunit siya ay binawian ng buhay sa parehong araw ganap na 8:05 ng gabi.

Lumabas ang resulta ng kanyang swab test kahapon na siya ay nag positibo sa COVID-19.



Ang pamilya ni CV 3528 ay kasalukuyan nang naka-isolate at minomonitor ng City Health Office.


Facebook Comments