Nasawi sa pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang isang negosyante sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Pantal, Manaoag, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na isang 42 anyos na may ari ng catering.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nilooban ng mga suspek ang bahay ng biktima at agad nabisto ng kanyang dalawang anak.
Sinubukang pigilan ng biktima ang suspek ngunit binaril ito nang dalawang beses.
Tinangay ng mga suspek ang tatlong gadget bago tumakbo.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng calibre 9mm na baril.
Activated na ang station KIRMAT at Tik-Tik Team upang agad matunton at maaresto ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









