Negosyante ng sigarilyo, kinasuhan sa DOJ dahil sa pamemeke ng tax stamps

Ipinagharap ng reklamong kriminal ng BIR sa DOJ ang isang negosyante mula sa tacloban city na nahulihan ng mga sigarilyo na mayroong pekeng tax stamps na nagkakahalaga ng mahigit 354 Million pesos.

 

Mga reklamong unlawful possession of articles subject to excise tax without payment of the tax at possessing false, counterfeit, restored or altered stamp sa ilalim ng tax code ang isinampa ng BIR laban kay James Laplana Sy.

 

Ang negosyante ang sole proprietor  ng CMS enterprises na may address sa Tacloban City, Leyte at may pitong iba pang branches sa Tacloban at Maasin City.


 

Unang sinalakay ng NBI Eastern Visayas noong 2018 ang tatlong warehouse at apartment ni SY sa Ormoc City kung saan nadiskubre ng NBI ang ibat ibang kahon ng sigarilyo na nakalagay sa loob ng mga kahon na may kasamang electric fan at microwave labels.

 

Matapos ang isinagawang beripikasyon, nakumpirma na peke ang mga internal revenue stamps sa mga pakete ng sigarilyo.

Facebook Comments