Negosyante, Ninakawan ng Limpak na Halaga ng Alahas at Pera!

Cauayan City, Isabela – Pinasok at ninakawan ng malaking halaga ang bahay ng isang negosyante kamakailan sa District 1, Cauayan City.

Dumulog sa himpilan ng PNP Cauayan noong February 19 ang biktima na si Jesus Danao Bucag, 43 anyos at residente ng #54 Quezon Street, District 1, Cauayan City upang ipaalam sa pulisya ang naganap na pagnanakaw sa mga alahas at pera na nasa loob ng kanyang bahay.

Sa salaysay ng negosyante, nagtungo umano sila ng kanyang pamilya sa maynila noong January 8,2018 at ipinagkatiwala ang bahay nito sa kamag-anak at suspek na si Cristian Joe Danao Salta,21 anyos,walang asawa at residente ng Upi, Gamu, Isabela.


Alas singko ng umaga noong January 14, bumalik dito sa Cauayan City si Danao at nakatanggap umano ng text message mula kay Christian na nagsasabing humihingi ng tawad sa pagiging di honest at paumanhin sa hindi niya pagpapaalam na umalis dahil gustong magpapakalayo muna para hanapin ang sarili.

Kaagad na nagtungo umano si Bucag sa loob ng kwarto at nakita na nakabukas lahat ng mga kabinet at drawers maging ang kwarto ng namayapang ina.

Nadiskubre na nawala na ang maraming alahas at pera na may kabuuang halaga na 181,000 pesos.Lahat umano ng alahas at pera ay pag-aari ng kanyang namayapang ina.

Samantala ang suspek ay pinaghahanap na ng pulisya at nakipagkoordinasyon narin sa iba pang police station.

Facebook Comments