Negosyante patay isa sugatan sa pamamaril sa North Cotabato

Isang 50 anyos na negosyante ang namatay habang sugatan naman ang kanyang pamangkin matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng Cotabato kahapon ng umaga . Kinilala ang nasawing biktima na si Teodoro Fernandez habang ang pamangkin nito ay kinilalang si Carl Henry Agustin 29 anyos na pawang nakatira sa bayan ng Dolo sa Davao Del Sur.
Pasado alas sais ng umaga kahapon ay sakay ng motorsiklo ang dalawa binabaybay ang national highway at pagsapit nila sa barangay Batolawan sa bayan ng Pikit ay dito na sila dinikitan ng riding in tandem at silay pinagbabaril gamit ang cal 45 pistola. Tama ng bala sa Ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ni Fernandez na nagsanhi ng kanyang kamatayan habang sa kanang binti naman ang tama ni Agustin na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Mula sa Davao Del Sur ay patungo ang dalawa sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato para bumili ng kambing para sa kanilang negosyo. Hindi naman tinangay ang kanilang sinakyang motorsiklo maliban sa perang pambili ng kambing na tangay ng mga suspect sa kanilang pagtakas.
Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng Pikit Pnp sa insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments