Negosyante, patay matapos pagbabarilin sa Batangas

Lipa City, Batangas – Patay ang isang negosyante matapos barilin ng hindi nakilalang gunman sa Lipa City, Batangas.

Sa ulat, nagtitinda sa kanyang meat shop sa Barangay Marawoy ang biktimang si Noel Olan nang lapitan siya ng suspek saka binaril sa ulo.

Agad namang tumakas ang gunman matapos ang pamamaril.


Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Blanko pa ang mga pulis sa motibo ng pagpatay.

Facebook Comments