Negosyante, patay matapos tambangan sa Silang, Cavite

Silang, Cavite – Patay ang isang negosyante matapos itong tambangan sa Silang, Cavite kagabi.

Kinilala ang biktima na si Sander Rana, 39-anyos, negosyante, naninirahan sa Sta. Rosa Hills Subd. Barangay Tartaria, Silang Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Silang police, nakatambay sa kanyang Toyota Fortuner na may plakang ZKA-717 ang biktima sa tapat ng isang grocery store sa Imperial St. pasado alas-6:30 kagabi habang hinihintay ang kasamang babae na namimili.


Nang bigla na lamang may tumabing kotse sa gilid nito at saka pinaulanan ng bala ang biktima bago tuluyang tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Narekober sa pinangyarihan ang ilang mga basyo ng M-16 at Cal. 45.

Inaalam pa sa ngayon ang posibleng motibo sa likod ng pagpatay sa biktima.

Facebook Comments