Negosyante, patay nang uminom ng lason matapos umanong malugi

1270

Paalala: May ilang sensitibong bagay ang naisulat sa artikulong ito. Importante ang patnubay sa mga menor de edad o wala pa sa tamang disposisyon na maaring makabasa ng ganitong istorya.

Patay ang isang negosyanteng Indian national matapos itong uminom ng lason nang malugi ang kanyang negosyo sa Sultan Kudarat, kaninang umaga, Enero 22.


Kinilala ang biktima na si Jadev Singh, isang lending businessman na residente ng Brgy. Bayawa, President Quirino, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat, nalugi ang negosyong pagpapautang ni Singh nang takbuhan siya umano ng kanyang mga pinautang.

Dahil dito ay nagpasya umano ang biktima na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason.

Nabiktima rin daw ng scam ang naturang negosyante.

Base sa report ng pulisya, bangkay na nang matagpuan ang biktima sa tubuhan ng lugar.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa naturang insidente para alamin kung may foul play ang pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments