
Patay ang isang 52-anyos na negosyante at residente ng Bacolod matapos pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakilalang salarin habang nagbubukas ng kanyang hardware sa Bacolod downtown area.
Batay sa salaysay ng driver ng biktima, kabababa lang nila sa sasakyan ng kanyang amo at bubuksan na sana ang hardware nang may lumapit sa likuran ng kanyang amo at pinagbabaril ito ng dalawang beses.
May nakakita rin na mga bystander sa lugar sa gunman na sumakay sa naka-park na kulay itim na SUV pagkatapos isagawa ang krimen.
Ayon naman kay Police Captain Francis Depasucat, station commander ng PS1, naghahanap sila sa posibleng CCTV footage na makatutulong sa pagresolba ng krimen.
Napag-alaman din ng mga awtoridad na nagsusuplay rin ng contruction materials at sumasali sa mga bidding sa government at private projects ang biktima.









