Negosyante, Patay sa Pamamaril!

Ramon, Isabela- Patay ang isang negosyanteng lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek alas nuwebe kaninang umaga, Enero 9, 2018 sa likod ng palengke ng Purok 3, Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Baybado, 36 anyos, may-asawa at residente ng San Mateo, Isabela na nangungupahan sa Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ramon, kumakain ng pancit ang biktima nang biglang pagbabarilin ito sa ulo ng isang lalaking naka balot ang mukha na agad tumakbo sa loob ng palengke matapos itong pagbabarilin.


Isinugod pa ng Rescue 316 sa pagamutan ang biktima ngunit ideneklara rin itong Dead on Arrival.

Nagtamo ng dalawang putok sa ulo ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay at narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang apat na basyo ng bala at dalawang bala ng 9mm na kalibre ng baril.

Kasalukuyan pa rin ang imbestigasyon ng PNP Ramon sa nangyaring pamamaril at tinutugis na ang salarin sa nasabing pamamaril.

Facebook Comments