Negosyante pinagbabaril patay sa Kidapawan City

Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem sa bahagi ng Quezon boulevard Kidapawan City sa North Cotabato pasado alas 9 kagabi. Kinilala ang biktima na si Kevin John Lumbay Bacos, 23 anyos residente ng barangay Saguing sa bayan ng Makilala North Cotabato.Habang sugatan din ang nakakabata nitong kapatid na kinilalang si Kerwin Lumbay Bacos,18 anyos.
Sakay ang dalawa ng Honda XRM ng dikitan ng riding in tandem at silay pinagbabaril. Nagtamo ng multiple gun shot wounds ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments