NEGOSYANTE SA BAYAN NG CALASIAO, MASWERTENG NAKALIGTAS MATAPOS PAULANAN NG BALA

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa isang negosyante sa bayan ng Calasiao.
Nakilala ang biktima na si Dominador Zara residente ng Brgy. Quesban sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nasa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek ang nagpanggap na bibili ng mga paninda ng biktima na mga alagang hayop.

Subalit sa kasagsagan ng pag uusap ay naglabas ng baril ang suspek at agad na pinaulanan ng bala ang biktima kahit na nakahiga na ito.
Sa kabutihang palad ay gasgas lang at galos ang tinamo ng biktima na agad pa ding isinugod sa pagamutan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek maging ng motibo nito sa pamamaril sa negosyante. |ifmnews
Facebook Comments