Negosyante sa Cabatuan Isabela, Nilooban sa Kasagsagan ng Bagyong Ompong| Malaking Halaga ng Pera at Gamit, Tinangay!

1937

Cabatuan, Isabela – Nilooban sa kasagsagan ng bagyong ompong ang bahay ng isang negosyante noong gabi ng biyernes sa Purok 6, La Paz, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang negosyante na sina Mr. & Mrs. Charlie Juan samantalang apat na armadong lalaki ang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Pinasok umano ng mga suspek ang bahay habang abala sa panonood ng telebisyon ang mag-asawa pasado alas syete ng gabi.

Tinutukan ng baril ang mga biktima at iniutos na ilabas ang kanilang pera na wala naman umano nagawa ang mga ito kundi sumunod sa mga suspek.

Iginapos ang mga biktima at tinangay ang mahigit kumulang na Php200,000.00, kalahating balde ng barya, limang laptop, tatlong cellphones, dalawang kuwentas at tatlong pares ng hikaw.

Mabilis umano na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon matapos na makuha ang kanilang pakay sa mga negosyante.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments