Negosyante sa Cavite, namaril ng 4 kapitbahay bago binaril ang sarili dahil umano sa paninira

1751
Courtesy: Cavite PNP

Patay ang apat na residente sa General Trias, Cavite matapos pagbabarilin ng isang negosyante na pinaputukan din ang sarili noong Linggo ng umaga.

Nakuhanan sa CCTV ang pag-aamok ng suspek na kinilalang si Junny Palacio sa Sitio Carapiohan, Barangay Santiago.


Ayon sa Cavite police, unang pinuntirya ni Palacio ang biktimang si Pilar Bacaoco sa kanilang bahay.

Isinunod ng suspek ang tricycle driver na si Recto Marbit, at ang live-in partner na sina Alberto Sorio at Muharma Bautista.

Dalawa naman sa mga rumespondeng pulis ang sugatan nang pagbabarilin din ng tinutugis na suspek.

Nang masukol ng pulisya, sa halip na sumuko ay binaril ni Palacio ang kanyang sarili.



Batay sa pulisya, ilang araw nang masama ang loob ng suspek dahil sa paninira ng mga biktima sa kanyang hanapbuhay na maliit na construction project.


Facebook Comments