NEGOSYANTE SA LUNGSOD NG CAUAYAN, SINAKSAK NG ISANG MENOR-DE-EDAD!

Cauayan City – Nagtamo ng saksak sa dibdib at tiyan ang isang negosyante matapos itong saksakin ng isang kinse anyos na binatilyo pasado alas dose ng madaling araw ng ika-19 ng Hulyo.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, nangyari ang pananaksak ng suspek na si alyas “Tian”, 15 anyos, sa biktimang si Allan Domingo, 38 anyos, sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela partikular sa Mercato Cauayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nangyari ang pananaksak matapos kumprontahin ng biktima ang menor-de-edad na suspek sa ginawa nitong di umano’y panghahalik sa babaeng customer nito.


Matapos ang ginawang pananaksak, agad na tumakas ang suspek ngunit kaagad rin itong nahanap at naaresto ng mga awtoridad.

Sa ngayon, pansamantalang nasa kustodiya ng Cauayan City PS ang suspek para sa dokumentasyon, habang kasalukuyan ring nagpapagaling sa hospital ang biktima nito.

Facebook Comments