Sugatan ang isang may-ari ng restobar sa San Jacinto matapos pagbabarilin ng dati umano nitong empleyado.
Ayon sa pulisya, nakatayo sa harap ng establisyementong pagmamay-ari ng biktima nang dumating ang mga suspek at agad na pinaputukan ang dati nitong amo bago tumakas.
Agaran namang itinakbo sa pagamutan ang biktima.
Patuloy naman na tinutunton ng awtoridad ang mga suspek sa isinasagawang hot pursuit operation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









