Sugatan ang isang 53 anyos na negosyante matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmamaneho papasok sa kanyang driving school sa Bayambang, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, biglang pinaputukan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang biktima habang nasa loob ng sasakyan.
Tinamaan sa kanang balikat ang biktima at agad na isinugod sa ospital habang nakatakas naman ang mga suspek lulan ng motorsiklo sa direksyon patungong bayan ng Malasiqui.
Away sa pamilya ang tinitignang posibleng motibo sa pamamaril, ayon sa imbestigasyon.
Sa kasalukuyan, patuloy ang malalimang imbestigasyon at dragnet operation ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at tuluyang maaresto ang mga suspek.
Facebook Comments








