Negosyante, Timbog sa Pag-iingat ng iba’t ibang Uri ng Baril

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang negosyante matapos isilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa kanya sa Sto. Niño, Maddela, Quirino kahapon, March 28, 2022.

Kinilala ang suspek na si Plaridel Corales, 40-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Ang matagumpay na pagdakip sa suspek ay ginawa ng pinagsanib na mga kasapi ng Quirino Provincial Field Unit-Criminal Investigation Detective Group, Regional Field Unit 2 (Lead Unit), 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company at Maddela Municipal Police Station.

Isinilbi ang search warrant matapos ipag-utos ni Acting Presiding Judge Andrew P. Dulnuan, Second Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 38, Maddela Quirino ang pagdakip kay Corales.

Nagresulta naman ang operasyon sa pagkumpiska ng ilang armas gaya ng isang (1) unit ARMSCOR cal. 45 (expired license) w/ SN 142146; isang (1) Black steel magazine for cal. 45 loaded na may laman na walong bala ng cal. 45; isang (1) unit ng Cal. 22 rifle Estrella parco R (converted) without serial number; isang (1) piraso ng live ammunition para sa cal. 22 na naglalaman ng firearm clamp at limampung (50) piraso ng live ammunition para sa Cal. 22.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na ngayon ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Facebook Comments