Negosyante, Timbog sa Pag-iisyu ng Talbog na Tseke!

86

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang Ginang na wanted sa kasong pag-iisyu ng talbog na tseke sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Judith Francisco, 60 anyos, may-asawa, negosyante at residente ng nabanggit na lugar.


Si Francisco ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Romeo C. Conge, ng Municipal Trial Court ng Pulilan, Bulacan dahil sa kasong dalawang beses na paglabag sa BP 22 o Bouncing Checks Law.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang P54,000 sa kada isang kaso.

Facebook Comments