Negosyanteng Chinese, arestado sa entrapment operation ng NBI

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Fishery Code at Philippine Wild Life Act ang isang negosyanteng Chinese matapos mahuli sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

Ayon kay Atty. Czar Nuqui head ng NBI Envirnomental Crime Division, walang kaukulang permit ang suspek na kinilala lamang na si Mr. Uy, para magbenta ng mga sea horses at birds nest.

 

Sa raid ng NBI, narekober sa Lucky Charm Drug Store ang apat na raang piraso ng mga sea horse.


 

Nabatid na ibinebenta ang isang sea horse sa halagang 2,800 pesos

 

Kahon-kahon ding mga birds nest na nagkakahalaga ng mula 16k hanggang 70k pesos ang nakumpiska ng mga otoridad

 

Sinasabing pag-aari  ng isang Hanica Coli, ang establisyimento at part-owner lamang si Mr Uy.

Facebook Comments