NEGOSYANTENG HIGH-PROFILE WANTED PERSON DAHIL SA SYNDICATED ESTAFA SA PANGASINAN, ARESTADO NA

Nasa kustodiya na ng pulisya sa Pangasinan ang tinukoy na high-profile wanted person dahil sa patong-patong na kasong Syndicated Estafa, sa isinagawang operasyon sa Malasiqui, Pangasinan, noong Martes, January 6.

Kinilala ang akusado na isang negosyante at may -ari ng JRL Kwarta Trading Co., na si Joshua Rosario Layacan, residente ng San Carlos City.

Si Layacan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte matapos ipasakamay ng lokal na pamahalaan ng San Carlos sa Security and Exchange Commission, DOJ at NBI dahil sa umano’y bigong pakikipagtulungan sa pagbabalik ng pondo sa kanyang mga na-scam sa umano’y “illegal investment scheme”.

Nahaharap si Layacan sa apat na bilang kasong Syndicated Estafa na walang inirerekomendang piyansa.

Isa lamang si Layacan sa mga akusado sa naturang investment scheme na umabot sa milyon-milyong piso ang nalikom nang walang ibinabalik na pondo sa mga nahikayat na investor.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng case conference ang Pangasinan Police Provincial Office upang palakasin ang case build-up at tumalima sa angkop na police operational procedures. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments