Negosyanteng Indian National sa Tumauini Isabela, Hinoldap!

Tumauini, Isabela – Hinoldap kahapon ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang negosyanteng indian national sa Brgy. Maligaya, Tumauini, Isabela.

Ipinaabot sa tanggapan ng PNP Tumauini ang naganap na pangho-holdap sa biktima na si Kuldeep Singh, tatlumput tatlong taong gulang at residente ng Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng otoridad, habang nasa lugar umano ang biktima upang mangulekta ng bayad sa kanyang mga kustomer ay pinahinto at sinabihan umano siya ng holdap ng dalawang kalalakihan na sakay ng isang pulang Mitsubishi Lancer na walang plaka.


Nakuha sa biktima ang mahigi’t kumulang na dalawang libong piso at sa akto umano na naglabas ng baril ang isa sa suspek ay tumakbo si Singh ngunit binaril ng suspek ang biktima kung saan ay natamaan ang kanyang kanang kamay.

Tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang sasakyan samantalang tumawag ng kaibigan ang biktima at dinala agad sa pinakamalapit na pagamutan para sa karampatang lunas.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng PNP Tumauini ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments