Tuesday, January 27, 2026

Negosyante, kinidnap sa Nueva Ecija; 3 suspek kabilang ang isang AWOL na pulis, arestado

Ligtas na na-rescue ng Police Regional Office 3 ang isang 59-anyos na negosyante na dinukot sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pwersahang dinukot at tinutukan ng baril ng tatlong suspek ang biktima nang dumating ito sa kaniyang warehouse. Tinangay rin ng mga suspek ang pulang pick-up ng biktima.

Matapos ang insidente, nag-demand umano ng limang milyong piso ang mga suspek kapalit ng pagpapalaya sa biktima.

Habang tumatakas patungong Barangay Bakod Bayan, nasangkot ang mga suspek sa isang hit-and-run incident na ikinasugat ng dalawang sibilyan.

Agad namang nagkasa ang pulisya ng coordinated pursuit at intelligence-driven operations, na nagresulta sa ligtas na pagkaka-rescue sa biktima.

Natagpuan naman ang ninakaw na sasakyan, habang sa tracking device ng cellphone ng biktima na-trace at naaresto ang isang AWOL na pulis, na lumalabas ding mastermind ng krimen, kasama ang kanyang pinsan.

Sa isinagawang follow-up operations, naaresto rin ang dalawa pang kasabwat.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang mga kaso.

Facebook Comments