Negosyanteng Lola, Na Budol-Budol Gang!

258

Santiago City, Isabela- Nabiktima ng budol-budol Gang ang isang lola ng apat na hindi pa nakikilalang suspek alas kwatro kahapon, Enero 16, 2018 sa palengke ng nasabing lungsod.

Kinilala ang biktima na si Fe Andaya, 59 anyos, negosyante at residente ng Buena Vista, Santiago City, Isabela.


Batay sa ibinahaging impormasyon ng Station 1 PNP Santiago City, bumibili umano ng mga groceries ang biktima nang may isang babaeng lumapit at nagprisintang bayaran ang kanyang mga pinamili.

Pumayag naman ang biktima at sinamahan pa ang suspek na umanoy bibili ng tiles.

Habang sila ay nasa daan, inabutan ng suspek ang biktima ng sampung libong piso at sinabihang ihalo ito sa kanyang dalang pera maging ang kanyang mga suot na alahas.

Kinuha ng suspek ang hawak na pera at alahas ng biktima at kunwaring inilagay sa sling bag ng biktima at sinabihang wag muna niya itong buksan hanggang hindi pa nakakauwi.



Nagpaalam muna ang mga suspek sa biktima na maglalabas ng pera sa bangko at susunod nalang umano sa bahay ng biktima ngunit hindi ito natupad.

Nalaman na lamang ni Andaya na nabudol-budol na sya nang buksan nya ang kanyang bag at napag alamang lukot na papel ang laman at natangay na ng mga suspek ang kanyang mga alahas at perang nagkakahalaga ng labintatlong libong piso.


Kasalukuyan naman ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan ukol sa nangyaring panloloko.

Facebook Comments