Negosyanteng Nanamantala sa Pagbebenta ng Alcohol, Timbog sa Entrapment Operation!

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang negosyante na nanamantala sa pagbebenta ng medical supplies sa kabila ng nararanasang krisis sa kasalukuyan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, natimbog sa isinagawang entrapment operation kahapoon sa Brgy Zone 1, San Mariano ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Isabela Provincial Field Unit, DTI Isabela, RIU2, IPPO PIB, Isabela HPT at ng PNP San Mariano ang suspek na kinilalang si Wilson Clave, 41 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy Zone 1, San Mariano, Isabela.

Nahulog sa pain ng mga otoridad ang suspek kung saan nakumpiska sa pag-iingat nito ang tatlong (3) bote ng Ethyl Alcohol (500ml) na nakalagay sa plastic bottles ng mineral water at ibinebenta sa presyong Php150.00 mula sa SRP na Php74.25, tig-isang (1) Gallon ng Ethyl Alcohol na 10ml at 350ml, isang (1) piraso ng paper bag na ginagamit bilang resibo at dalawang (2) piraso ng Php100.00 na marked money.


Nabatid na wala rin mga kaukulang dokumento sa pagbebenta ang suspek nang siya’y hingan ng mga otoridad.

Dinala ang suspek sa tanggapan ng CIDG Isabela para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 7581 o Price Act ang naturang suspek.

Facebook Comments