Negosyanteng si Janet Napoles, at GOCCs executives, acquitted sa kasong graft at malversation ng Sandiganbayan

Napawalang sala ng 2nd Division ng Sandiganbayan ang negosyanteng si Janet Napoles sa kasong graft at malversation kasama ang dating executives ng National Livelihood Development Council o NLDC na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund o PDAF scam case.

Sa 98 pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Arthur O. Malabaguio na inisyu noong September 18, 2024 na bigong maipresenta ng government prosecutors ang ang mga ebidensiyang nagdidiin na guilty si Napoles base sa umanoy krimen na kanyang nagawa.

Maliban kay Napoles, acquitted din dahil sa walang sapat na ebidensiya ang NLDC President Gondelina Amata at Assets Management Division Chief Gregorio Buenaventura.


Ang kaso ay kinasasangkutan ng ₱5 million mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF o pork barrel na inilaan ng dating La Union Rep. Victor Francisco Ortega na iligal na napupunta sa Social Development Program para sa Farmers Foundation Inc. isang NGO na iniuugnay kay Napoles.

Sabi ng prosecutors, ang PDAF ay inilabas papuntang NLDC, isang Government-Owned or Controlled Corporation o GOCC kung saan nailipat sa ₱4.85 million sa SDPFFI noong 2008 makaraang kaltasan ng ₱150,000 bilang administration cost.

Sa kabila ng pagwawalang sala kay Napoles mananatili pa rin ito sa Correctional Institution for Women o CIW dahil sa convicted ito sa kasong plunder at multiple counts of graft, malversation of public funds, and corruption of a public official.

Facebook Comments