Negosyanteng si Lucio Tan, binigyan ng deadline ni Pangulong Duterte para bayaran ang mga utang

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa business tycoon, Chairman at Chief Executive Officer ng Philippine Airlines (PAL) na si Lucio Tan, na ipasasara niya ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Ayon sa pangulo, bagaman pinasalamatan niya, tinanggihan niya ang alok ni Tan na maging isa sa kaniyang mga campaign contributors.

Giit ni Duterte, dapat ay bayaran muna ni Tan ang kaniyang mga utang sa runway, lalo’t ginagamit nito ang mga gusali at paliparan ng pamahalaan.


Wala rin aniya siyang magagawa dahil dapat lang na ipatupad ang batas.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), nakasaad na mayroon pang aabot sa P7 bilyong halaga ng navigational fees at iba pang charges ang hindi pa nababayaran ng PAL sa gobyerno.

Ang P6.97 bilyon dito ay dapat bayaran sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) habang ang P322.11 milyon naman ay sa Manila International Airport Authority (MIAA) dapat bayaran.

Facebook Comments