Manila, Philippines – Pinasalamantan ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang Department of Justice (DOJ) sa pagresolba sa inihain niyang cyber libel charges laban kay Rappler CEO Maria Ressa.
Nabatid na sa isang artikulo ng Rappler noong 2012, tinukoy nito si Keng na sangkot sa human trafficking at drug smuggling.
Itinuro rin si Keng ng artikulo na may-ari ng itim na Chevrolet Suburvan van na umano ay ginamit ni dating Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay Keng – bagama’t magiging mahirap at mahaba ang proseso ay handa niyang ipaglaban ang kaso hanggang sa huli.
Aniya, paulit-ulit na nangako sa kanya ang Rappler na aalisin ang artikulo pero hindi ito ginawa.
Iginiit din ng negosyante na hindi kailanman hiningi ng Rappler ang kanilang panig.
Facebook Comments