Himas rehas ang isang 44 anyos na negosyante na mula sa Dagupan City matapos itong maaresto sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Ang akusado, tukoy na Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level at Top 6 MWP naman sa Provincial level.
Humaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 at may itinakdang P400, 000 na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nasa kustodiya na ito ngayon ng Sta. Barbara Municipal Police Station para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









