
Nahulog sa kamay ng mga operatiba ang isang babaeng negosyante nang maaresto sa Clark International Airport sa Pampanga.
Kinilala ng pulisya ang akusado sa alyas ‘Wendell’, 42-anyos.
Hinuli ang akusado sa nasabing paliparan matapos na makatanggap ang awtoridad ng impormasyon na nakarating na ito sa bansa mula Hongkong.
Isinilbi kay alyas ‘Wendell’ ang Order to Arrest niyo para sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215.
Samantala, lumalabas din sa records ng pulisya na dati nang nakulong ang akusado sa parehas na kaso noong 2024.
Facebook Comments









