Negosyateng si Eduardo Aliño, itinalagang SBMA Administrator ni PBBM

Nanumpa na kahapon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang negosyanteng si Eduardo Aliño.

Ito ay matapos na italaga ng pangulo bilang administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA, kapalit ni Jonathan Tan na inappoint naman at nanumpa bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon.

Si Aliño ay chairman ng Subic Bay Yacht Club, president at chairman din ito ng S.T.A.R. Group of Companies.


Siya rin ang president at chairman ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services Inc., at Mega Equipment International Corporation.

Habang si Tan ay dating alkalde ng Pandacan, Antique at isang may-ari ng JDT Construction and Supply at presidente ng JDT Trading.

Facebook Comments