Negosyo at kabuhayan, pinatitiyak ng 1 Kongresista sa balik-probinsya program

Umapela si ang Probinsyano Partylist Representative Alfred Delos Santos sa gobyerno na bigyan ng pangkabuhayan ang mga sasailalim sa Balik Probinsya Program.

Suportado ni Delos Santos ang Balik-Probinsya Program ng pamahalaan para tulungang makauwi sa kanilang mga lugar ang mga manggagawa at OFWs na stranded simula pa noong ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pero, hiniling ng mambabatas sa gobyerno na para mahikayat ang maraming kababayan na bumalik sa kanilang mga probinsya dapat ay may ibigay na insentibo para sa negosyo at pangkabuhayan ang pamahalaan.


Sa ganitong paraan ay makakampante ang mga uuwi ng probinsya na tuluy-tuloy ang pag-ikot ng ekonomiya, livelihood opportunities at pagkakaroon ng trabaho.

Naniniwala ang kongresista na bukod sa malaking tulong ang Balik-Probinsya sa mga gustong umywi, makakatulong din ito para mabawasan ang populasyon sa Metro Manila at sa mabilis na pagpigil sa pagkalat ng sakit na COVID-19.

Tinukoy pa ni Delos Santos na apektado ang pagsisikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng virus sa NCR dahil overpopulated na ang rehiyon.

Facebook Comments