Inaasahang sisigla ang ugnayan sa pagne-negosyo at turismo, sa nilagdaang kasunduan ngayong taon ng Pilipinas at Singapore para sa liberalized air services agreement.
Ayon sa Singapore, ang kasunduan ay hindi lamang magdadala ng mas maraming turista sa magkabilang-bansa, kundi palalakasin din nito ang kalakalan at industriya ng maliliit na negosyo.
Nais din ng pamahalaan ng Singapore na maging bahagi ng pag-unlad ng Pilipinas sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan sa bansa.
Batay sa Presidential Communications Office, umabot na sa 674.4 million dollars ang naaprubahang investments ng Singapore sa bansa noong 2023, habang pumalo sa 3.53 billion dollars ang halaga ng exports at 7.09 billion dollars para sa imports sa nasabing Southeast Asian country.