Negosyo ng Lalaki Bumagsak Dahil sa Pagkabuhay ni Hesus Ngayong Araw!

San Mariano,Isabela – Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang notorius na nagbebenta ng shabu sa bayan ng san mariano.

Pasado alas dose singkwentay tres kanina tanghali ng isagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP San Mariano at mga elemento ng Isabela Police Provincial Office Intelligence branch ang isang buy bust operation sa barangay Santa filomena sa nabanggit na bayan na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek na si Bernard Flores Agustin 40 years old may asawa at residente ng barangay Buenavista, lungsod ng Santiago.

Sa isinagawang buy bust operation na sinaksihan mismo ng RMN News Cauayan,at mga opisyal ng naturang barangay nakumpiska sa pag iingat ng naturang suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu,aluminum foil,tatlong lighter,isang sling bag,at isang motorsiklo.


Ayon sa pahayag ni Police Senior Inspector Garry Macadangdang,Deputy Chief of Police sa nasabing bayan,matagal na umanong sinusubaybayan ang suspek siyang hinihinalang nagdadala ng shabu sa naturang bayan kayat ng maka tyempo ay isang pulis ang nagpanggap na posuer buyer at nang maisara ang transaction ay nagkita ang dalawa sa likod ng Isabela State University San Mariano Campus at ng maiabot ang dalawang libong piso na mark money ay agad sinunggaban ng mga nakapalibot ng mga pulis ang suspek na hindi na nakapalag.

Dahil dito ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na ngayon ay isinasailalim sa karagdagan pang pagsisiyasat upang matukoy ang source ng kanyang ibinebentang droga sa bayan ng san mariano.

Facebook Comments