Hinikayat ang mga kabataan sa Bayambang na pasukin ng maaga ang pagnenegosyo lalo pagdating sa sektor ng agrikultura tulad ng farming.
Sa isinagawang Agripreneur Forum na siyang inorganisa ng Local Youth Development Office ay hinimok nito ang mga kabataang agripreneur bilang parte ng Linggo ng Kabataan at International Youth Day.
Nasa limampung mga mga anak ng local farmers ang nakilahok sa naturang forum.
Ayon kay Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang mga kabataan ay siyang kanilang mga future leaders at mga future feeders ng kanilang bayan.
Tinalakay naman sa forum ang programa ukol sa Young Farmers Challenge Program ng kung saan nanghihikayat ito ng bawat kabataan na sumama sa pagtatatag ng business enterprise na may kaugnayan sa agri fishery.
Ipinaliwanag din ang ukol sa ATI Services for Youth in Agriculture kung saan napapatungkol naman sa educational assistance o scholarship para sa mga kabataang na gustong mag-aral ng may ugnayan sa agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments