Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang Negros Island Region (NIR) Act at Real Property Valuation and Assessment Report (RPVAR) Act ngayong hapon.
Sa bisa ng Republic Act (R.A.) No. 12000, mabubuo at tatawagin na bilang Negros Island Region (NIR) ang Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor Island.
Ang pagtatatag ng Negros Island Region ay itinuturing na hakbang upang mas maging episyente at epektibo ang pamamahala at pagpapaunlad ng rehiyon.
Habang ang RPVAR Act o R.A. No. 12001 ay umaakma sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon at binibigyang-diin ang pangangailangang i-streamline at paghusayin ang tax collection system ng bansa.
Facebook Comments