Negros Island Region, nangunguna sa pinakamaraming unresolved drug cases sa bansa

Negros Occidental – Nangunguna ang Negros Island Region sa may pinakamaraming kaso sa droga sa buong bansa na hindi pa rin nareresolba hanggang sa ngayon.

Ito ay base sa report nga inilabas ng Dangerous Drugs Board sa data naman mula sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon kay DDB Executive Director, Undersecretary Maria Belen Angelita Matibag ang mga unresolved drug cases ay tumutukoy sa mga kasong pending o active at hindi pa nabigyan ng desisyon ng korte.


Base sa data, kasama sa Visayas Region na may low rate resolution sa drug cases ay ang Central Visayas at Region 6 Western Visayas.

Facebook Comments